artwork by patriciasoliani

Saturday, June 7, 2008

Isang araw, walang magawa..

It was one of those very rare days.. nandito ako sa desk ko, staring blankly at my monitor..walang magawa kahit alam ko may research akong dapat tapusin. Parang ang tahi-tahimik ng araw ko kahit ang mga tao sa paligid ko me kanya-kanyang business, ewan ko kung nagtatrabaho ba o nagkukunwari lang, pero mukha silang busy..samantalang ako, bored..nakailang tingin na ako sa relo, tagal pa ng uwian..

Ang totoo nito, kanina pang umaga masama ang timpla ko..sabado sickness ata..ewan, masakit ang ulo ko kahit ang aga pa lang, bandang tanghali parang iba pakiramdam ko talaga kaya bumaba muna ko sa mezzanine ng building namin- may clinic doon..nagpakuha ako ng BP, naku sabi ko na nga ba iba pakiramdam ko 140/90..normal pero nasa high level..binigyan naman ako ng pang-pababa..lecheng Pork Spare Ribs kahapon, alam ko yun me kasalanan heheh..sige na nga kasalanan ko na, alam ko ng bawal kumain pa rin..

Hapon na matamlay pa rin ako, wala sa mood mag trabaho..sige basa basa lang kung ano makita sa internet..browse dito, browse doon..hanggang...whatttt? PATAY NA SI DABOY?
shitee..Daboy as in Rudy Fernandez?!..natalo rin ng kanser tsk tsk.bigla lalo ako nanamlay..

Kahit di naman ako kilala nun siempre nakakalungkot din..kita ko lang siya dati ang lakas-lakas pa, matikas pero wala rin, naibagsak din ng sakit....kahit talaga anong yaman o lakas ng isang tao, basta dinatnan ng sakit...si Paquito Diaz nakita ko rin nung isang araw sa Balitang K ( Handa na ba kayo?)..di ko na rin makilala, wala na rin ang tindig, wala na rin ang bigote..

Napaisip tuloy ako...adik pala ako sa pelikulang Pilipino?..

Hindi naman, napaisip lang ako..kung sila ngang malalakas, mayayaman, natatalo ng sakit..paano pa kaya ang gaya ko? Ngayon pa nga lang kung anu-ano na ang nararamdaman ko...shitee..Ayoko atang makita ang sarili kong buto't balat na nakaratay na lang sa kama...

Leche, tama na nga ang spare ribs!

No comments: