The stork is on her way.oh yes..
August 31 , 7:20 PM..I was at home taking a nap when I received a call from my wife..ayun in-advise na daw sya ng doctor nya to deliver kasi mataas na ang BP nya...so paglabas nya from work at 11 pm e diretso na kami sa bahay at nagbihis lang sya..good thing naka-impake na ang bags nilang dalawa ni baby 2 days ago pa kaya dadamputin na lang.
Around 12 MN: nasa hospital na kami ulit, ako, si wifey at si cianna..nagasikaso ng admission etc etc..
1 am..nakakuha na kami ng room..siempre staff si wifey kaya ang ibinigay na room, malapit sa nursery (Senior NICU nurse sya)..at next door ng labor room hehehe..dito na kami nag stay ni cianna habang dumiretso na sa labor room si wifey para sa mga preliminary procedures..
mga 1:30 am: inihatid ko na si cianna sa bahay, iwan ko muna kina ate ( babysitter nya at sharing namin)..pagbalik ko sa hospital, dumaan muna ko ng McDo at bumili ng burger kasi naalala ko di na pala ako nag-dinner at bukas ay Ramadan na kaya siguradong walang mabibilhan ng food..
2 am: nasa room lang kami ni wifey, waiting..siya nakikiramdam sa laman ng tiyan nya..ako naman, naglalaman sa tiyan ko..estimate ng doktor, mga 6 am pa daw kaya subukan namin matulog..ako ang nakahiga sa kama, siya nasa sofa kasi mas comfortable sya nakaupong matulog..di rin naman ako makatulog kasi maya maya gumagalaw, maya maya me papasok na nurse..
hanggang dumating na ang
6 am...sinundo na sya ng labor room staff para ipasok, ako naman easy pa rin, tuloy ang tulog na lang kasi malamang mamaya pa yun..( di kasi sila nagpapasok ng father sa labor room e)..
mga
7 am naalimpungatan ako..naku nasa hospital pala ako at manganganak pala si kumander hahaha..dali dali ako lumabas at nagbantay sa labas ng labor room..nakita naman ako ng isang staff sabi nya balik lang daw ako sa room kasi matagal pa..
around 8 am...ayan na si wifey, naglalakad papasok sa room..sabay sabing "daddy di pa ako nanganganak"..obvious? hahahaha..yun pala nagiinarte pa si baby, ayaw pa atang lumabas kasi di daw sya prepared hahaha..pinainom na muna sya ng pangpahilab at susunduin na lang ulit ng 11 am..inutusan muna ko na mag grocery kasi gutom na ( bukas naman ang grocery pag ramadan, mga food establishments lang talaga bawal)..bumili ko ng cup noodles, biscuits at juice kasi light meals lang muna sya..tapos sabi ko uwi muna ko sa bahay to check cianna..papasok pa rin kasi yung bata sa school..siya naman babawi ng tulog habang naghihintay ng sundo.
10:00 am..back na ko sa hospital..dala ko laptop para me magawa naman habang nandito sa room..naihatid ko na si cianna sa school, nakatawag na rin ako sa office na di makakapasok kasi nga eto..
10:50 am...namimilipt na sa sakit si kumander..eto na yata..totoo na..ayan na sila sinundo na rin sya papasok sa labor room..kabado ako?..hindi, open ko laptop ko at nag start ng mag blog hahaha..
yun muna..mamaya na kasunod pag lumabas na si baby girl named...........? he he he!