Maligayang ika-112 Araw ng Kalayaan, Pilipinas. Kahit ang araw na ito ay paggunita lamang sa deklarasyon ng ating Kalayaan mula sa pananakop ng mga Kastila noong 1898. Dahil ang katotohana'y hanggang sa panahong ito ay patuloy ka pa ring nakikipaglaban para sa iyong tunay at ganap na kalayaan..
Kalayaan, hindi sa aktwal na pananakop kundi sa pagiging sunod-sunuran sa mas makapangyarihang bansa.
Kalayaan sa gutom at kahirapan.
Kalayaan na makakita ng sapat na pagkakakitaan para di na kailanganin pang mag-abroad ng karamihan.
Talamak ang korupsyon sa pamahalaan. Hindi sapat ang kakayahan ng mga namumuno o kung hindi man, walang iniisip kung hindi ang pangsariling interes lang. Ang kapangyarihan at yaman ay hawak lamang ng iilan.
Laganap ang krimen at karahasan. Patuloy pa rin ang gulo sa Mindanao. Patuloy pa rin ang pakikipaglaban.
Kaya ang tanong ko, kailan nga ba natin ipagdiriwang ang tunay na Araw ng Kalayaan?
Yung hindi basta isang araw lang na walang pasok..kundi isang pangmatagalang kalayaan na ipamamana natin sa mga susunod pang henerasyon.
No comments:
Post a Comment