artwork by patriciasoliani

Wednesday, June 25, 2008

I am BAd father..I mean, really BAD!

Me sakit si Cianna for the past 2 days na..una sipon lang then naging ubo na nauwi sa lagnat pero nawawala din naman pag nag-take ng gamot..pero siempre just to be sure, nag decide kami pa -check up kahapon just in case kelangan ng antibiotic.

So maaga akong nag-out from work at sinundo ko yung mag-ina ko sa bahay..Pumunta kami sa hospital na pinagtatrabahuhan ng kumander ko.

Pagdating dun sa pediatric clinic, siempre dahil staff naman si misis kaya kakilala na ang mga doctors..in other words, makikisingit lang kami sa mga pasyente, di na kami magpa-file at magbabayad ng consultation etc hehehe..

so habang naghihintay kami matapos yung isang pasyente, naengganyo maglaro si Cianna sa play area next to the clinic..si misis naman nakikipag-tsika muna sa mga nakapuwesto sa nurse station..so ako ang nakatutok kay Cianna..

nung time na yun, me 2 batang tingin ko e magkapatid..Egyptian sila, 4 years old siguro yung panganay at mga 3 din siguro yung kapatid..pareho silang babae..sa play area, siempre may slide, rocking horsey-horsey, ball house..si Cianna siempre nakakita ng bata, tendency dun agad lumapit para maglaro sa slide..kaso ayaw sya pasakayin sa slide nung mas panganay na bata, tinutulak tulak, hinaharang...

First action ko, sinutsutan ko muna si Cianna, calling her attention para lumayo na lang..kaso siempre bata, nagpilit pa rin umakyat..ayun, bigla na lang syang sinundot sa pisngi nung isang bata..sundot na parang patulak sa pisngi..parang sampal na daliri ang ginamit..si misis ko nag react din agad kahit nasa me nurse station, sinita nya yung bata sa arabic...pero dedma..yung bata pa ang matapang sabay lapit sa nanay nya.

ako naman tumayo agad ako para kargahin si Cianna at ilayo..gusto kong sitahin yung batang babae pero ang kunsitidorang nanay nakatingin lang at hindi man lang natinag sa nakita...mahirap lang kasi sitahin, mapapaaway ka na nga..talo ka pa sa lakas ng boses at bunganga...ganyan ang mga lahing nila, walang katwiran.

maya-maya, bumalik sa paglalaro si Cianna...yung lokang bata gusto pa atangng balikan ang anak ko e sa me tapat ko dadaan..tiempo, nakita ko yung nanay nakatalikod ..HINARANG KO YUNG LEG KO sa dadaanan nung bata..sakto!!! NAPATID sya, daplag sa rubber mat...hindi nakaimik kahit nung tumayo, parang takot na nakatingin lang sa akin tapos bumalik na sa upuan nila...sinundan ko ng masamang tingin..si misis ko kita rin pala ginawa ko, nakangiti lang pero tinitignan din ng masama yung bata..ayun hindi naman na nagsumbong sa nanay nya..

Huh?!...akala nya papalagpasin ko ginawa nya ke Cianna ha...

No comments: