artwork by patriciasoliani

Showing posts with label entertainment. Show all posts
Showing posts with label entertainment. Show all posts

Wednesday, July 11, 2012

Salamat Dolphy (1928-2012)



Kahit ngayong kabi-kabila na ang pag-alala at pakikisimpatiya ng lahat ng Pinoy saan man sa mundo sa pagkawala ni Mang Dolphy, pakiramdam ko kelangan ko ring makapagsulat ng kahit munting tribute para sa kanya. Ewan ko ba..hindi naman ako kaano-ano, ni hindi naman kakilala pero kagaya ng karamihan sa atin, bahagi ng aking kabataan si Dolphy...may isang bahagi sa sarili ko na nalungkot..nakakalungkot naman talaga yung mabalitaan na wala na yung isang kakilala, yun bang para akong namatayan ng malapit na kamag-anak. At bakit naman hindi..sa ilang taon rin namang kasa-kasama natin sa ating mga tahanan si Dolphy..sa telebisyon..sa sine..

Naalala ko pa dati nung bata pa ako, wala pa kaming TV, ni wala pa ngang kuryente sa barangay namin pero kilala ko na si Dolphy. Halos laking sinehan ako. Ninong sa kasal nina Tatay yung may-ari ng dati'y nag-iisang sinehan sa bayan namin. Makinista pa sa naturang sinehan ang isang kapatid ni Tatay. Tindera naman ng kakanin ang Lola ko-buchi, kamote cue. Madalas nilalako nya ito sa oras ng sine at madalas kapag nakahabilin ako kay lola, kasa-kasama rin nya ako paglalako.Nakakabisado ko na nga ang palabas, sa araw-gabi ba naman halos na labas-masok ako sa sinehan ..lalo na kung Tagalog ang palabas. ..Nino Muhlach. FPJ. Lito Lapid. at syempre Dolphy. Kahit ulit-ulitin,ayos lang.

Isa naman sa kinakasabikan ko pag napapaluwas ng maynila ay ang makapanood ng TV sa bahay ng mga tiyahin ko. Kapanahunan ng Channel 13 at 9 noon, kasikatan yan ng EAT Bulaga, Iskul Bukol, TODAS at siempre John en Marsha..sino bang hindi nakakaalala sa pinakakagiliwang pamilya sa telebisyon..ang mag-asawang si John Puruntong at Marsha, ang matinis na boses ni Matutina at ang walang kamatayang linya ni Donya Delilah.."Kaya John..magsumikap ka"..

Grade 5 na yata ako ng magkakuryente sa lugar namin. Siempre isa sa mga sinadyang maipundar nina Tatay ang TV. Black and white na de-pihit ang channel at laminated wood ang katawan. Wala pang cable noon kaya antenna lang sa bubong na madalas mawala ang signal lalo na kung umuulan at mahangin. Pero ayos lang. Ang importante sa amin noon, may TV na kami. Makakapanood na ng mga paborito naming palabas. Makakapanood na ng John en Marsha.Ilang taon pa bago kami naka-afford ng Colored TV. Wala ng John en Marsha pero may Home Along Da Riles na. Wala na si John pero ganun pa rin ang sayang dala ng pamilya ni Mang Kevin (Dolphy), ni Aling Ason (Nova Villa) at ni Richie (played by Babalu). Walang kupas.

Iba talaga ang karisma ng isang Dolphy. Palibhasa puro ordinaryong tao ang kinatawan nya sa mga naging palabas kaya masang-masa talaga ang dating. May nakikita ang bawat nanonood na bahagi ng pagkatao nila sa kanya, sa bawat eksena, sa bawat sitwasyon. Sinalamin nya ang tipikal na Pilipino na may prinsipyo, masayahin, may respeto at pagmamahal sa pamilya...Masayahin daw kasi ang mga Pilipino, laging tumatawa, laging nakangiti kahit sa harap ng mga pagsubok. Kaya naman hindi nakakapagtakang minahal at pinatuloy natin sa ating mga tahanan ang isang Dolphy..At lalong hindi rin nakakapagtakang ganito na lamang ang pagsimpatiyang pinadarama ng sambayanan sa kanyang pagkawala..

Gayunpa man, mawala man ang isang Hari ng Komedya, alam ko na hindi mawawala ang kanyang alaala..Malalim ang iniwan niyang puwang hindi lamang sa industriya ng Pelikulang Pilipino, kundi sa lipunan at kasaysayan. Marami pang magagaling na komedyante, marami pang susunod, marami pang magpapatawa.. Pero hindi na siguro mapapantayan ang kanyang mga naiambag sa ating kultura. Hindi sapat ang pagkilala at parangal pero alam ko na alam nya, walang makakapantay na tropeo at medalya sa pagmamahal at respetong ibinibigay sa kanya ngayon ng sambayanan..Mawala man ang Hari ng Komedya, mananatili ang ngiti at saya sa bawat tahanang Pilipino dala ng alala ng isang Dolphy.

Hindi man ako kapamilya o kakilala, pero para sa yo Mang Dolphy, maraming salamat po mga tawa at sayang naidulot ninyo sa amin..Masaya na siguro kayo ngayon...may reunion sa langit si John at Marsha pati si Donya Delilah. Kasama pa si Richie. si Panchito. si Chiquito. si FPJ. at iba pa. Masaya ang all-stars na sitcom sa langit.

Monday, February 13, 2012

At the 2012 Grammy Awards


Album of the Year: 21, Adele
Record of the Year: "Rolling in the Deep," Adele
New Artist: Bon Iver
Country Album: Own the Night, Lady Antebellum
Song of the Year: "Rolling in the Deep," Adele Adkins and Paul Epworth, songwriter
R&B Album: F.A.M.E., Chris Brown
Rock Performance: "Walk," Foo Fighters
Rap Performance: "Otis," Jay-Z and Kanye West
Pop Solo Performance: "Someone Like You," Adele
Pop Vocal Album: 21, Adele
Traditional Pop Vocal Album: Duets Ii, Tony Bennett and Various Artists
Pop Duo/Group Performance: "Body and Soul," Tony Bennett and Amy Winehouse
Short Form Music Video: "Rolling in the Deep," Adele
Long Form Music Video: "Foo Fighters: Back and Forth," Foo Fighters
Rap/Sung Collaboration: "All of the Lights," Kanye West, Rihanna, Kid Cudi and Fergie
Rap Song: "All of the Lights," Jeff Bhasker, Malik Jones, Warren Trotter and Kanye West
Rap Album: My Beautiful Dark Twisted Fantasy, Kanye West
R&B Performance: "Is This Love," Corinne Bailey Rae
Traditional R&B Performance: "Fool for You," Cee Lo Green and Melanie Fiona
R&B Song: "Fool for You," Cee Lo Green and Jack Splash
Pop Instrumental Album: The Road From Memphis, Booker T. Jones
Country Solo Performance: "Mean," Taylor Swift
Country Duo/Group Performance: "Barton Hollow," The Civil Wars
Country Song: "Mean," Taylor Swift
Folk Album: Barton Hollow, The Civil Wars
Hard Rock/Metal Performance: "White Limo," Foo Fighters
Rock Song:  "Walk," Foo Fighters, Songwriters (Foo Fighters)
Rock Album: Wasting Light, Foo Fighters
Alternative Music Album: Bon Iver, Bon Iver
Producer of the Year: Non-Classical: Paul Epworth

Read more: E!Online

Sunday, February 12, 2012

Recognize this guy?


No?
Look again.

Still no?
You don't have any clue?
Look at the hair, the eyes.
Still no?


Okay.This might help.


Yes! It's him.
He is Macaulay Culkin of Home Alone film series fame.

Tsk. tsk. Poor guy, huh?

Whitney Houston (1963-2012)




(REUTERS) Grammy-winning singer and actress Whitney Houston, one of the most talented performers of her generation who lived a turbulent personal life and admitted drug use, died on Saturday in a Beverly Hills hotel room. She was 48.


A Beverly Hills police officer told reporters they were called to the Beverly Hilton, in Los Angeles, at around 3:20 p.m. PST and that emergency personnel found Houston's body in a fourth-floor room, and she was pronounced dead at 3:55 p.m.

Monday, February 14, 2011

30. Buy a Wii..or PS3 with all accessories?..Which one is better I am still debating.

Last January, on my 39th birthday, I wrote a list of the 40 things I want to do or accomplish before I turn 40. This is number 30 from that list.

Well, the choice was obvious..I bought a Wii as a gift to my daughter Cianna on her 6th birthday..actually I already promised it to her long time before that if she do well in her class, she will get her birthday wish. And she actually did so I have to fulfill my end of the bargain.


I chose to buy the Wii even though the competition in the market  is becoming even tougher, what with the launching of PS Move for Playstation 3 and the Xbox's Kinect..I chose Wii because of its family entertainment value and for ease of use...it's primarily meant to be for my daughters' use anyway-- not for a graphics-hungry, hard core gamer like I wanted to be....LOL!

Sunday, June 13, 2010

Jovit wins Pilipinas Got Text votes..este Talent :)

Ayun, tapos na ang Pilipinas Got Talent and as expected, si Jovit nga ang panalo...obvious naman sa umpisa pa lang, unang episode pa lang ng PGT, ratsada na agad ang hits nya sa YouTube, tapos ang lawak ang fanbase, sa FB, sa twitter..iba talaga nagagawa ng internet, ng media though syempre deserving naman yun bata..inggit nga ako e..sabi ko nga ba sana nagka-boses rockstar din ako, e di sana sikat na rin ako ngayon...hahah!

Ay naku, baka hindi rin pala, medyo matangkad ako e..uso ngayon, mababa sa height..pero mataas ang boses hehehe..eniweys, here is his winning performance:



Sayang, bet ko pa naman dyan si Alakim, yung butterfly magician..galing nung Finals performance nya, nakahiga ako nun, nanonood tapos napabangon ako sabay wow!..akalain mo yun, nag-teleport!..yun nga lang, naging comedy..nakalimutan nya yung magic kung paano ibalik ang sarili sa stage he he.

Gusto ko rin yun ventriloquist na si Ruther..though hindi pa ganun ka-polish yung skills nya ( kasi nahahalata pa yung pagbuka ng bibig nya) pero dahil nga tungkol sa mga kakaibang talent ito, ang galing na nun..nabibilib ako sa kanya pag sumasabat yung puppet nyang si Titoy pag ininiterview na si Ruther! aakalain ko talaga ibang tao na yun e..

Last favorite ko yung Velasco Brothers, hataw sila, astig!..yun lang ang masasabi ko hehe..anyway, congrats sa mga nanalo..sana sa susunod na season ( if ever magkaroon pa)..sana mas kakaibang talent naman ang ma-discover nila..after all, this is a Pinoy talent showcase, hindi basta sing o dance contests lang..PBB nga nakaka-produce ng singers, tapos may PDA pa...

at saka sana ibang set of judges naman!