artwork by patriciasoliani

Wednesday, June 30, 2010

Feeling Guilty Over A Cup of Coleslaw..



Nung isang araw pa ako naglalaway sa KFC..para bang di nakakatikim ng chicken 8 days a week sus. So kagabi, finally natupad nga (yey!). We had KFC for dinner. 2 piece meal ang kay misis, 3 piece naman sa akin...may kasama ng bread, fries at drinks pero yun sa akin lang me coleslaw. Siempre Take-out as usual, mas masarap kumain sa bahay e.

So ayun nga, habang nilalantakan namin ang mga kawawang breasts, legs at thighs ay sige naman kami panonood ng TV..(sarap-buhay noh). Nauna kong naubos ang akin (ay 3 piece ba? hehehe)..Kaya binalingan ko na ang aking coleslaw..Usap..kain..nood..di ko namamalayan, naubos ko na ang coleslaw...

Dun na nagreact ang aking asawa.." Ay, ubos na, di mo man lang ako inalok? nakaisang subo pa lang ako dun a" sabay maktol kunyari....

Awwww..

Abot-abot ang sorry ko..nalibang talaga ako sa pagkain at panonood..

Sabi pa nya, " Hmph, samantalang ako, ultimo isusubo ko na, hinahati ko pa para ibigay sa yo "..ayan na, kahit tatawa-tawa yan, alam ko tinototoo na nya..

Then narealize ko, oo nga tama sya..ganun nga sya, maski ano kinakain nyan, magtitira at magtitira para sa akin..o kaya hinahatian ako parati..maski yung ulam na kasya lang sa kanya, ititira pa nun for me kasi alam nya maghahanap ako ng makakain pagkagaling sa work...na-guilty na talaga ako...

Sabi ko na lang, sige bukas pasalubungan kita ng large coleslaw ha...oo daw..

"Gusto ko sa Popeye's ha? mas masarap coleslaw dun...."  

Kaya mamaya, chicken ulit kami..pero kanya na yung coleslaw..:D

No comments: