artwork by patriciasoliani

Saturday, September 6, 2008

Si Cianna bilang ate..

Common belief na yung pag me bagong baby sa pamilya, magseselos yung sinundan nya..kasi di na sya bunso, di na sya solo sa atensyon..

Kaya inakala namin ganun mangyayari kay Cianna..

Pero kabaliktaran naman pala..

So far, napapabilib kami sa kanya kasi laging naka-dikit sa bagong kapatid, pinapanood pag natutulog, hinahaplos, kinakausap, niyayakap..pag umiiyak si Zoe, alerto sya..tanong agad bakit.....nakakatuwa lang talaga..

pero siempre, umaarte pa rin..pag humihingi ng dede si baby Zoe, hingi rin sya at gusto sabay sila dumede...

pero eto ang pinakamatindi....

sa crib nya trip matulog pag gabi...ha ha ha!

hinahayaan na lang namin..dun sya masaya e..

after all, she's being a good ate naman e..

No comments: